FollowLike

Isang Kilalang Komedyante, Suma-'Sideline' Umano Ngayon Sa Mga Palengke

Inulan ng papuri ang dating basketbolista at Eat Bulaga host na si Jimmy Santos sa kaniyang huling vlog sa YouTube kung saan ipinakita niya ang pag-si-sideline niya sa palengke.

Bago pa man pumasok sa industriya ng showbiz, naging basketbolista muna si Jimmy. Kalaunan nga, noong taong 1970, nagsimula na itong lumabas sa mga pelikula kung saan ay kasama niya si Fernando Poe Jr.

Tuluyan ngang umabante ang karera ni Jimmy noong maging bahagi ito ng Iskul Bukol at T.O.D.A.S. (Television's Outrageously Delightful All-Star Show); mga palabas na nagbibigay ngiti at halakhak sa mga madla.

Naging isa rin sa mga host ng longest running noon-time show na Eat Bulaga si Jimmy Santos. Sa kasamaang palad, dahil nga sa pandemya, ilan na lamang sa mga hosts ang nakakapagtrabaho sa studio. Ito rin ay dahil nga sa mga mahigpit na alituntunin na ipinatutupad hinggil sa C0V1D-19.

Ngunit, nagpatuloy pa ring magpatawa ang komedyante sa pamamagitan ng YouTube. Nagtatag siya ng kaniyang channel dito upang mag-upload ng mga vlog tungkol sa mga nagaganap sa kaniyang buhay na hindi naman pumalyang mang-aliw sa mga manonood o subscribers niya.

Isa nga rito ang kaniyang vlog na pinamagatang 'Jimmy Santos Sumasideline sa palengke' sa kaniyang YouTube Channel na Jimmy Saints.

Sa vlog na ito makikitang binisita niya ang Pampang public market sa Angeles City, Pampanga kung saa'y kinukumusta niya ang mga tindero't tindera doon.

Magkahalong katatawanan at paglalahad ng kasaysayan ng naturang palengke ang kaniyang vlog.

Naroon ding tinutulungan niya ang mga tao roon. Sa isang bahagi nga ng video, tumulong siya sa paghihiwa ng karne sa isang meat stand. Hindi rin mawawala pagiging kwela ni Jimmy at nakikipagbiruan pa ito kung kaya naman marami ang natuwa sa kaniya.


Hindi naman naiwasan ng mga taong humanga sa pagiging simple nito sa kabila nga ng kasikatan nito noong aktibo pa sa showbiz, kung kaya nama'y inulan ito ng papuri.

"He is humble at hardworking," ani ng isang netizen.

"Nakita q si Idol Jimmy sa Clark noon naglalakad, sya pa una bumatu skin npaka humble mo po.. Keep Safe sna po umabot sa 1million more subscribers po."

"Eto po ang halimbawa kung paano mag-entertain at magpatawa nang hindi nanlalait sa ibang tao. Maraming salamat po Tito Jimmy!"

إرسال تعليق

أحدث أقدم