Hindi na napigilan ng isang nanay na ito na lumuhod na lamang sa harap ng anak habang balde-balde ang luhang kaniyang iniiyak, matapos sumama ng anak nitong babae sa isang lalaki na kalahati ng edad nito.
Walang ibang gusto ang isang ina kundi mapabuti lamang ang kaniyang anak. Kung kaya naman lahat ay hahamakin upang mabigyan lamang ng magandang buhay ang mga ito. Ang iba pa nga'y tinutiis na lamang na mawalay sa kanilang mga pamilya upang magtrabaho sa ibang bansa at maging OFW.
Ngunit, labis naman ang sakit kung tila pakiramdam ng isang ina na hindi niya nagabayan ng maayos ang kaniyang anak.
Katulad na lamang ng ina na ito, na hindi na napigilan pang dumulog na lamang sa Raffy Tulfo in Action para mabawi ang menor de edad na anak.
Ito nga ay dahil di umano'y sumama raw sa isang 30 anyos na lalaki ang kaniyang 15 anyos na anak, na nakilala lamang umano online; sa socmed.
Nang matunton ang mga ito, sinampahan agad ng kaso ng ina ng bata ang 30-anyos na lalaki dahil sa pambababoy daw nito sa kaniyang anak, sa kabila ng pagmamakaawa ng kaniyang anak na 'wag na raw ituloy ang pagsasampa rito ng kaso sapagkat mahal daw nito ang lalaki.
Habang kinakausap ng ina ang anak, hindi na niya napigilan ang kaniyang mga hagulgol at napaluhod na lamang sa harap ng anak, na aminadong may hinanakit sa ina.
Inamin ng ina ang mga hirap na kaniyang pinagdaanan sa ibang bansa. Minsan daw ay hindi makakain, kulang ang tulog at lalo na ang pangungulila niya sa mga ito.
Marami namang mga netizens ang naawa sa ina nito. Narito ang ilang kumento:
“True, po yan hirap dto sa abroad tapos, ung mga anak wala ng galang, hndi n sumusunod sa mga magulang kaya ang sakit sa feeling n para lng sa kanila lahat ng sakripisyo ng isang ofw n ina, mg alaga n hndi nmin anak.”
“Your mother should not knelt down before you!”