MrJazSohani SharmagndurcsathialaAhmedabad
FollowLike

Batang Babaeng Ipinaglihi Umano Sa Barbie Doll, Agaw Pansin Sa Socmed

Pinag-uusapan sa socmed ngayon ang isang batang babae, matapos nitong sumikat sa socmed dahil sa kakaiba nitong kulay ng mata.

Kadalasan sa mga taga-Asya, kabilang na ang mga Pilipino, mga itim o 'di kaya nama'y kulay tsokolate ang mga mata. Pwera na lamang kung 'may lahi' o iyong mga hindi purong Asyano o Pilipino ang lahi.

Ang iba nama'y dala na lamang ng 'genes' at mabibigyang liwanag lamang sa pamamagitan ng siyentipikong eksplanasyon.

Katulad na lamang ng batang babaeng ito na kakaiba ang mga mata, sapagkat asul ang kulay ng mga ito; bagay na nakikita lamang sa mga ibang lahi katulad na lamang ng amerikano, italyano, at iba pa.


Ang bata ay sumikat sa socmedsa pamamagitan ni Mark Chews, na siyang kumuha ng larawan ng bata at ibinahagi sa socmed.

Ayon sa mga kalakip na mesahe ng naturang post ni Mark, kinilala ang batang babae na si Jhopye mula sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Tila isa nga raw maynika ang bata, dahil bukod sa mga mata nito, hindi rin maitatanggi ang kagandahan nito.

Ang kulay ng mata ni Jhopye ay kakaiba sapagkat hindi ito normal sa kanila. Mayroon lamang ilang kaso ng mga batang kakaiba rin ang kulay ng mga mata.

Napag-alaman din na ang bata pala ay mayroong 'speech impediment' o iyong kondisyon kung saan utal-utal o hindi diretso ang pagsasalita nito. Maaring ito ay dahil sa kadahilanan na noong nasa sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina si Jhopye, lubhang naapektuhan ang kaniyang nutrisyon dahil na rin sa hirap ng buhay ng kaniyang pamilya; hindi maibigay ang mga pangangailangan ng ina noong nagbubuntis.

Sa kabila nito, gusto pa rin daw ni Jhopye na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay.

Naantig ang puso ni Mark. Kung kaya naman hindi na siya nag-atubili pang ibahagi ang kuwento ni Jhopye sa socmed upang mahingan na rin ng tulong ang bata.

Marami nga ang naawa sa kalagayan ng bata at naghandog ng tulong. Hindi rin naman maikakaila ang kanilang pagkamangha sa kulay ng mata ni Jhopye.

Post a Comment

Previous Post Next Post