Madamdaming ikwinento ni Bearwin Meily ang kanyang karanasan matapos nga sapilitang ibenta ang dream house ng kanilang pamilya.
Masakit man para komedyante ang ginawang desisyon wala itong ibang hinangad kundi ang ipagpatuloy ang buhay sa gitna ng sakuna na hinaharap.
Si Bearwin ay kilala bilang isang komedyante sa telebesiyon ang huli nitong programa kung saan siya kabilng dito ay ang "Home Sweetie Home" taong 2018.
Matapos nga mawala ang programang ito, tumigil din ang karera ni Bearwin sa mundo nga telebesiyon. Dahil don, sinubukan niyang mag patakbo bilang isang konsehal sa Taytay, ngunit sa kasamaang palad hind ito nakasama sa mga nanalo. Tanging walo lang ang nakuha at nasa rank 9 lamang ang kanyang total votes na nakuha.
Sa mga pahayag ni Bearwin sa vlog ni Ogie Diaz. Makikita na positibo lang sa buhay ang dating aktor at tanging iniisip nito ang kaugnayan sa Diyos.
"Kung wala kami kay Lord ngayon, wala. Patay na ako. Hindi ko na kinaya. Alam mo yung laos ka na, pinag-uusapan ka pa." madamdaming pahayag nito.
"Hindi pa man nagpa-pandemic, tumakbo akong konsehal sa Taytay. Hindi rin naman pinalad.
"So, at first, maghahagilap ka. At first, wala ka naman ibang aasahan dito. Walang industriya. Walang trabaho. Hindi ka nanalo. Wala kang ibang kakapitan kundi ang Diyos." dagdag pa ni Bearwin.
Masakit man at kurbado ang pinagdaan ni Bearwin hindi ito ang naging rason para siya ay hindi mag pa tuloy sa hamon ng buhay.
"Nakabili ako ng bahay before pandemic... After mo maghagilap, after mo mamroblema sa mga bayarin, you surrender. Yun ang mahirap. Masarap pakinggan, pero mahirap gawin."
Pag-amin pa niya, "Yung surrender in a sense na kahit hindi mo matanggap na ibebenta mo ang bahay mo, ibebenta mo. One thing, wala kaming pambayad. Kesa maremata ng banko, binenta ko.”
"Well, siyempre, lalo kami ni Lara, dream house namin yun," saad ng komedyante.
Si Lara ay asawa ni Bearwin, at mayroong silang dalawang anak na lalaki.
Ang masakit sa lahat ay yung sinabi ng aktor na pinaghirapan at kasama niya ang kanyang pamilya sa pagbubuo ng kanilang tahanan, ngunit sa huli ito ay mamawala rin pala sa kanila.
"Nung ginagawa yun, kasama mga anak ko designing the house. Lahat yun. Siyempre masakit yun. Hindi na kinaya para makabili kami ng bahay. So, nagre-rent na lang kami ngayon. Hindi mababayaran yung blessing na spiritual na nanggagaling sa Diyos. Lagi dun ako kumakapit. On the other side of the story, nagre-rent kami pero hindi kami masyado naghahagilap. Kung dati stressed na stressed ka, ngayon when you surrender everything sa Diyos, tanggap mo yung sitwasyon.
Simpleng buhay man ang nararanasan ni Bearwin ngayon masaya naman sila ng kanyang pamilya sa mga natatamo nilang blessings sa gitna ng kakulangan.
"People will disappoint you, but God never will. Kahit wala kang pera, magkakaroon ka pa rin ng kasiyahan. And sobrang happy ako. Asawa ko nagmamahalan kami. Hindi kami nagkakaroon ng malaking problema. Mga anak ko, okay din. Kahit na nawalan kami ng bahay, pero kung alam namin saan kami papunta at yung direksiyon na puwede namin tingnan na mas maganda kesa sa problema, mas magiging magaan yung buhay.
Ito naman ang huling mensahe ng komedyante sa lahat ng mga nanood sa vlog.
"But you know, kapag lumapit ka sa Diyos, hindi kalungkutan yung ibibigay Niya sa iyo. Naiiyak ako, of course. It's human nature na nalulungkot ako from the past. But where I am right now, it's a big blessing compared to others. Seeing my family, my kids growing up, napag-aral ko sila nang maayos, sa hirap, sa tiyaga. Naghuhugas ako, nagbebenta ako, nagluluto ako. May mga permit ako. Legal lahat, alam ng Diyos. Kahit kailan hindi nagkulang sa amin ang Diyos."