FollowLike

Alamin Kung Gaano Kayaman Si Maine Mendoza aka Yaya Dub?


Si Maine Mendoza ay isa ngayon sa mga sikat na artista at host sa GMA KAPUSO Network. Bukod sa pagiging artista at host ay isa din siyang endorser ng madaming produkto na napapanood natin sa mga commercials sa ating mga telebisyon.

Si Maine ay sumikat muna sa online o socdahil sa galing niya sa pag dadub. Labis itong tinangkilik ng mga netizens at nakapasok siya sa sikat na Noontime Show sa GMA na "Eat Bulaga" bilang si Yaya Dub. Naging ka love team niya si Alden Richards na kung saan madami ang kinilig sa kanilang tandem bilang AlDub.

Ngunit, alam niyo ba na bago tinahak ni Maine ang mundo ng showbiz ay mayaman na talaga ang kanyang pamilya?


Si Maine Mendoza ay isang estudyante sa De La Salle - Collge of St. Benilde na kung saan ito ay kilalang unibersidad na may may malaking tuition fees.

Sinasabing "Well-Off" ang mga magulang at pamilya ni Maine kaya naman naafford nila na mapag-aral si Maine sa prestihiyosong unibersidad tulad ng La Salle.



Sinasabi ding mga business man at woman ang parents ni Maine na kung saan nag mamay-ari sila ng mga gasoline stations at ang pagkakaroon ng ganitong uri ng negosyo ay talaga namang masasabing malusog ang kanilang pinansyal na estado.

Bukod sa pag eendorse ni Maine sa madaming commercials sa tv ay alam niyo bang nakapagfranchise siya ng isa sa mga sikat na fast food chain sa Pilipinas? Sinasabing nakapagfranchise si Maine ng McDonald's Branch sa Sta. Clara, Bulacan.



Bago ka  makapagpafranchise ng McDonald ay kailangan mo muna ng tumataginting na 30 hanggang 50 million upang masimulan ang ganitong negosyo.


Ayon din sa Youtube Channel na "Stars News (Asia)" ay may estimated networth daw si Maine na $12 Million noong September 2017. Papalo daw iyon sa Php 606,980,273.14 kada taon.

Sa katunayan ay pinarangalan din siya ng BIR o Bureau of Internal Revenue bilang "Top Regional Individual Taxpayer" kaya naman masasabing isang responsableng negosyante at taxpayer si Maine.


Ayon din sa mga reports ng "Kami" ay kumita daw si Maine ng mahigit Php 87,985,540 galing sa kanyang mga product endorsements.

Hindi naman na maiikaila ang yaman ni Maine Mendoza at ito ay dahil na din sa kanyang kasipagan. "YOU DESERVED IT YAYA DUB!

إرسال تعليق

أحدث أقدم