FollowLike

John Arcilla, ayaw munang mag-kontrabida; Nagkwento ng karakter sa bagong serye


 - Kung si John Arcilla ang masusunod, ayaw na raw muna niyang gumanap na kontrabida sa susunod pa niyang teleserye

- Ngunit baka raw sa susunod niyang serye ay maging kalaban pa rin ang role niya gaya ng pagsabuhay niya kay Renato Hipolito

- Natutuwa naman daw siya sa istorya ng bago niyang serye dahil wala naman daw 'totally' na kontrabida sa kwento

Pagkatapos gumanap ng premyadong aktor na si John Arcilla bilang Renato Hipolito sa 'FPJ's Ang Probinsyano', nais muna nitong magpahinga sa mga roles kung saan siya ang kontrabida.

Ibinalita niya ito sa vlog nila ni Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube. “Totally gusto kong gumawa nang hindi kontrabida as in totally 100%," pahayag niya kay mama Ogs.

Kahit na ayaw na muna niyang maging kalaban, baka raw ay maging kontrabida pa rin ang magiging papel niya sa susunod na serye niya. 

Paliwanag nito, “Pinakaiusapan talaga ako kasi talagang ‘yun ang plano, ‘yung character ko. Kaya lang pumayag naman sila na I can be more playful doon sa character. Mas kakaiba kaysa kay Hipolito.

“Ang pinakagusto ko kasi sa istorya talaga is ‘yung wala naman talagang villain. Ang villain naman talaga ay ‘yung past ng tao, ‘yung history niya bakit siya naging ganu’n.

“Dahil sa mga human experiences niya at itong kuwento na ito na gagawin ko ay may pagkaganun. Kaya siya somehow naging option niya na manakit ng tao dahil nasaktan siya sa kanyang past. So somehow my human side,” pahayag niya.

May mensahe naman ito sa mga bashers niya nang gumanap itong kalaban ni Coco sa Ang Probinsyano, “Doon sa mga bashers siguro, hindi ko naman kasi kayo mako-control kung mamba-bash kayo.

“Pero hindi kasi ako talaga naniniwala na ‘yung mga bashers, eh, hindi ako naniniwala sa kanila. Yung consistent na namba-bash, na hindi nakikinig sa explanation, hindi ako naniniwala na totoo sila.

“Dumating ako sa point na ‘yung bashers nakita ko, kaya sila namba-bash consistently kasi mayroong taon na nasa likod nila or binabayaran sila.

“‘Yung mga namba-bash kasi kahit paano ‘yung totoong tao ay nag-iisip ‘yan kahit konti, naninimbang ‘yan kahit konti. Pero ‘yung wala nang pagbabago, ‘yung sarado na, parang imposible. Kaya hindi na po ako naba-bother sa inyo,” sabi ng aktor.

Post a Comment

Previous Post Next Post