FollowLike

Jayda, Aljon, and Markus topbills new series based on a hit wattpad novel


Inanunsyo na ng iWant TFC nitong Lunes ang bagong kolaborasyon nito sa Black Sheep Productions na isang sangay ng ABS-CBN Film Productions.

Isang serye ang nakatakdang gawin ng Black Sheep na ekslusibong mapapanood sa pinakamatagumpay na streaming platform sa bansa na iWant TFC. Ang serye na ‘Teen Clash’ ay hango sa isang sikat na wattpad novel na isinulat ni Ilyn Anne Danganan.

Napiling bumida sa nasabing proyekto sina Aljon Mendoza, Markus Paterson at Jayda Avanzado. Sa kani-kanilang social media post ay pinasalamatan ng tatlo ang pamunuan ng ABS-CBN Films, at ang author ng original novel na si Danganan para sa oportunidad na ipinagkaloob sa kanila.

Ito ang unang beses na bibida si Jayda at sasabak sa pag-arte. Masaya umano ang singer-turned-actress sa pagkakataon na maibalita na ang kanyang pagganap bilang si Zoe na lead character sa seryeng ‘Teen Clash’.

“2 years ago, when a certain project was pitched to me by Inang Olive Lamasan and ABS CBN Films, I took the chance to immerse myself into its story, which was from Wattpad; and being a longtime Wattpad reader and a true bookworm at heart, I was hooked, and knew from then on that I wanted to be a part of it!”

“In all honesty, I am pretty nervous but all the more excited for this new adventure that I’m embarking on with Direk Gino Santos, Aljon and Markus! to bring life to this story.” 

Ayon naman kay Aljon, isa ito sa maituturing na ‘unexpected twist’ sa buhay niya. Grade school pa lamang siya umano ay pamilyar na siya sa Teen Clash book dahil sa ate niyang wattpad lover.

“I auditioned for this show without knowing kung para saan siya. In fact, hindi ako part sa mga original na nag go see for this. Inadd lang ako nung dulo at ang sabi sakin "try lang pero huwag ka umasa" lalo na i still have a loveteam. One time, sinabi nalang sa akin na i'll be with Jayda and then eventually Markus, sa adaptation ng sikat na wattpad series book na "Teen Clash". Andami kong naramdamang emosyon. Ang daming fears, anxieties, knowing na andaming fans ng wattpad story na ito. Pero mas ibang level ang excitement at saya na naramdaman ko.”

“Nung nalaman to ng ate ko, sobrang happy niya at laki ng tiwala niya sa akin na magagawa ko daw to ng tama. Dun ako lalong umapoy to do this in the best way I can.”
“I know grabe ang pressure, but I promise we will work hard on this, and give our best. Samahan niyo ako as i journey with Ice,” kwento ni Aljon sa kanyang Instagram post.

“I remember having major writers block while working on my second album when I first got wind of ‘Teen Clash’. Then while shooting something different for Rise Artists Studio, we had the chance to read some of the script and it got me so excited to begin the project,” wika naman ni Markus sa isa ring Instagram post.

Post a Comment

Previous Post Next Post