FollowLike

Chito Roño, puring-puri ang bagong Darna: "Ang problema kay Jane, she had to..."

- Bagay na bagay ang Kapamilya star na si Jane de Leon bilang 'Darna' base sa komento ng master director na si Chito S. Roño

- Wala umanong kaartehan sa katawan ang aktres na hindi katulad ng iba nilang nakasalamuhang artista

- Nangako naman si Jane na maraming aabangan sa Darna pagdating sa effects, costumes, at villains lalo na't pinakahihintay ito ng sambayanang Pilipino

Swak na swak talaga si Jane de Leon, ang tinaguriang 'millenial Darna', bilang bida sa highly anticipated series ng ABS-CBN, ang 'Darna' na lilipad na ngayong August 15.

Kaya naman puring-puri siya ng direktor ng serye, si master director Chito Roño, dahil nakaya ni Jane ang pagsasabuhay sa iconic Filipina superheroine kahit na dalawang karakter agad ang gagampanan niya.

Ito ay ang batang si Narda, at si Darna na 'alter ego' ni Narda. Natuwa rin si direk Chito sa walang kaarte-arteng si Jane hindi tulad ng ibang aktres na nakasama nila.

“Ang problema kay Jane, she had to balance between being Narda and being Darna. Yung Narda, dalawa pang characters, yung bata tsaka yung age ng malaki-laki na siya.

“So, ang dami niyang roles na ginagampanan. It’s really a challenge for her as an actress. And I think she did very well,” pagbabahagi ni direk Chito.

Dagdag pa nito,“Mas bata, kailangan maikli buhok mo. Siya, no problem magpaputol ng buhok. Kasi we encountered actresses na hindi maputulan. So I’m very pleased, not only is she focused but she’s that very well as an actress for Darna.”

Hindi naman nawalan ng pag-asa si Jane nang ibalitang hindi na matutuloy ang Darna movie na dapat sana'y gagampanan niya.

Matatandaang hawak na ni Jane noong 2019 ang titulo bilang si Darna sa movie remake na ididirek sana ni Jerrold Tarrog ngunit pagkatapos nga ng isyu ng ABS-CBN noong 2020, sinabihan na si Jane na 'di na lilipad pa si Darna.

“Actually, nu’ng kasagsagan ng ABS-CBN na pinag-uusapan yung sa franchise, nag-Zoom kami lahat ng mga bosses.

“And yun nga po, sinabi nila sa akin na di daw po matutuloy yung movie because of these reasons.

“Pero nu’ng time na yun, sinabi ko na okay lang po. Nagtaka sila lahat, ‘Ha? Bakit parang okay lang?’ Parang di daw po ako umiyak.

“Sabi ko po, ‘Alam ko po kasi na may better plans for me si Lord. Alam ko lahat may reason kung bakit,'" kwento pa ni Jane.

May pangako naman siya sa mga manonood sa pagsisimula ng Darna ngayong August 15, “Maraming-maraming salamat sa lahat. Sobrang nakaka-overwhelm. Ito na yung pagkakataon para ipakita sa buong mundo yung pinaghirapan ng production.

“Siyempre matagal na ito hinintay ng sambayanang Pilipino at maraming-marami kayong aabangan pagdating sa effects, sa costumes, sa villains, at siyempre sa bagong story ng Darna,” aniya pa.

WATCH related topic here:

Post a Comment

Previous Post Next Post