FollowLike

Sarah Geronimo, babalik na sa GMA? Cristy Fermin, kinumentuhan ang balita: “At sa matagal na panahong..."

- Isa sa paksa ng programa ni Cristy Fermin sa 'Showbiz Now Na' ay ang chikang lulundag na si Sarah Geronimo sa Kapuso pagkatapos nitong maging Kapamilya nang ilang taon

- Para naman kay Morly, maganda ang paglipat ni Sarah kung sakali sa Kamuning dahil sumikat siya nang husto sa ABS-CBN

- Matatandaang nauna nang naibalita na magbabalik-Kapuso si Sarah dahil nasilayan ang kanyang Tala concert sa GMA-7

Bali-balita ang magaganap na meeting sa pagitan ng Chief Executive Director ng Viva Films na si Vic del Rosario kasama ang ilang executives ng GMA-7 upang pag-usapan ang kanilang bagong proyektong ihahain.

Kahit wala pang opisyal na pahayag, kabilang 'di umano sa naturang pagpupulong ang Kapamilya star na si Sarah Geronimo at asawa nitong si Matteo Guidicelli kaya naman mas malakas ang haka-hakang tuloy na ang lipatan.

Ito ang isa sa paksa ng programa ni Cristy Fermin sa 'Showbiz Now Na' kung saan kasama bilang hosts sina Morly Alinio at Romel Chika sa kanilang YouTube Channel.

Sinimulan ni Cristy ang nasabing paksa sa pagsasabi na baka raw tuluyan na ngang lumipat si Sarah G sa pamunuan ng Kapuso Network. 

“Ang balita mukhang lulundag na sila ng GMA 7," panimula ni Fermin.

“Ang tagal na ng balitang ‘yan,” sagot naman sa kanya ni Romel.

Ayon pa rito, sina Sarah G na raw ang nagpi-pitch ng kanilang gustong proyekto ngayong manager nila si Vic del Rosario. Magiging co-production umano ito ng Viva, aniya pa.

“hindi naibibigay ng channel 2 ang proyektong para sa kanila," saad naman ni Morly.

“Tama kasi hindi sila maka-alagwa. Alangan namang bantayan nila araw-gabi ang panganganak ng kabayo nila. “At sa matagal na panahong paunti-unting hugot (labas ng pera), aba’y kailangan din ng pamalit,” tugon pa ni Cristy.

Kung sakaling matuloy nga raw ito, maganda ang pagbabalik ni Sarah G sa GMA dahil sumikat na siya nang husto sa ABS-CBN na binigyan siya ng iba't-ibang klaseng proyekto.

إرسال تعليق

أحدث أقدم