FollowLike

Vice Ganda, ginulat ang cameraman na natutulog sa studio ng 'Showtime': "Wala na nga tayong madlang people..."

- Ginulat ni Vice Ganda ang 'It's Showtime' cameraman na nahuli niyang natutulog nang mahimbing sa loob ng studio

- Dinala naman ni Vice ang 'Sexy Babe' contestant sa likod ng natutulog na cameraman dahilan upang mag-react ang kanyang co-hosts

- Nagbiro naman ulit ang unkabogable star dahil nagalit daw umano ito sa contestant nang sumayaw ito sa likod niya habang siya'y natutulog

Napuno ng katatawanan ang 'Showtime' studio nang mapansin ni Vice na may natutulog na cameran sa gilid ng entablado kung saan nagpe-perform ang mga contestants.

Sa kanilang segment na 'Showtime Sexy Babe', makikitang sumasayaw ang contestant hanggang sa dinala ito ni Vice sa likod ni kuyang cameraman at doon siya pinasayaw habang mahimbing pa rin itong natutulog.

Ilang saglit pa ay nagising na ito at saka humirit si Vice na wala na nga raw madlang people sa studio at nagawa pa nitong matulog kaya naman nabawasan pa ang viewers ng isang 'ulo'.

“Iilan na nga lang tayo sa studio, natulog ka pa? Wala na nga tayong madlang people na nagri-react, nagbawas pa tayo ng isa? Nabawasan tayo ng isang ulo,” pagbibiro ng Kapamilya superstar.

“Nagalit dun sa babae, sabi niya 'ito naman natutulog eh' sabi dun sa babae,” hirit pa nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post