FollowLike

Flower of Evil nina Piolo at Lovi, uulit sa pagte-taping: “pinagte-taping ulit kami...”

- Uulit umano sa pagte-taping ang Piolo at Lovi serye na 'Flower of Evil' na ipoproduce ng Dreamscape Entertainment

- Nauna nang naibalita ng Dreamscape Entertainment at Kapamilyanovelas na gagawan nga umano ng Philippine adaptation ang nasabing hit Korean series

- Naglabas na rin ang ABS-CBN ng isang maikling teaser para kamakailan na umani ng mga positibong reaksyon mula sa mga viewers

September 19 noong nakaraang taon nang pormal nang pumirma ng kaniyang exclusive contract ang bagong kapamilya star na si Lovi Poe.

Sa kaniyang unang araw bilang isang Kapamilya ay winelcome si Lovi Poe ng isang bonggang red carpet kung saan nakaharap na niya sa wakas ang ilang big bosses ng ABS-CBN.

Magtatambal rin sa unang pagkakataon sa teleserye ang Kapamilya hunk na si Piolo Pascual kasama ang pinaka-bagong Kapamilyang si Lovi para sa Philippine adaptation ng hit Korean drama na “Flower of Evil”.

Excited na rin ang ilang mga Kapamilya sa inilabas na teaser ng Flower of Evil ng Dreamscape Entertainment kung saan makikita ang husay ng camera shots at maihahalintulad ang ilang eksena na kuha sa adaptation at sa orihinal.

Ngunit, ayon sa latest chika ng Entertainment news website na BANDERA, sinabi nitong nakausap nila ang isang taong kasama sa serye na magkakaroon daw ng 're-taping' sa May 4, Fontana Resort sa Angeles, Pampanga.

“Hindi ko alam, eh. Wala namang sinabi, basta pinagte-taping ulit kami.” ang naging sagot sa tanong ni Bandera kung bakit ito muling magte-taping. 

“Buti na lang ‘yung mga dates na pina-block off, puwede ako kasi nga lock in. Marami-raming araw ‘yun.” ani pa nito.

Matatandaan ring naglabas na ng look test ang drama unit ng ABS-CBN na humahawak sa serye kasama na ang ilang cast ng star-studded Philippine adaptation nito kamakailan sa kanilang official social media accounts.

Post a Comment

Previous Post Next Post