FollowLike

Nikko Natividad, sasabak na rin sa politika? Followers, pinapasayaw siya ng budots

- Tinanong ng dating Hashtags member na si Nikko Natividad ang kanyang mga followers kung sasabak na rin siya sa politika

- Aniya, konsehal sana ang tatakbuhan niya kung papayag ang kanyang mga taga-suporta na magkampanya na rin sa susunod

- Nagpapatulong nga rin ito sa kanyang mga followers kung tatakbo na siya dahil nagbabalak itong mag-'change image'

Pabirong nagtanong ang dating Hashtags member ng 'Its Showtime' na si Nikko Natividad sa kanyang mga Instagram followers kung tatakbo na rin siya sa susunod na campaign period.

Aniya kasi, gusto niyang tulungan siya ng kanyang mga taga-suporta kung itutuloy na niya ang pagsabak sa politika upang hindi na siya magpost ng mga kag*guhan at kab*stusan at para na rin mag-'change image'.

Kilala kasi si Nikko sa kanyang mga nakakatuwa at nakakalokang posts na bentang-benta sa mga netizens. Sa nasabing Instagram post nga niya ay nakakuha siya ng ilang komento mula sa mga IG users.

“Takbo naba kong konsehal next campaign? Help nyo ako magdecide para di nako mag post ng kag*guhan at kab*stusan. Para alam ko kung mag change nako image,” pabirong tanong ni Nikko.

Isa naman ang sumagot sa tanong niya at idinamay pa ang tumatakbong senador na si Robin Padilla. Sabi nito, “Pwede! Hahaha! Nanalo nga si Robin Padia na top senator this election eh. Hahahaha"

At hindi rin nakaligtas sa usapin si Bong Revilla na matatandaang nanalo rin sa pagka-senador dahil umano sa kanyang pagsayaw ng budots bilang kanyang campaign ad. 

“Takbo ka kahit senador sayawan mo na lang ng Budots manalo ka na dahil yan ang gusto ng mga tao ngayun.” sagot naman ng isang netizen kay Nikko. 

Ilan pa sa mga 'tips' na natanggap niya ay gumawa nalang siya ng action movies dahil patok na patok naman ito 'di umano sa mga botante.

“Magstart ka ng gumawa ng mga action movies patok yan sa mga botante…alam mo na un. sure win k besh.”

“Wag kang magchange ng image, panalo ka jan yan ang gusto ng mga Pinoy, ang joker sa gobyerno.” ani pa ng isa.

Post a Comment

Previous Post Next Post