FollowLike

McCoy, gustong lumayas ng Pinas dahil sa isang dahilan! “itong mga nangyari...”

- Inamin ni McCoy na gusto umano niyang takasan ang Pinas kasama si Elisse noong mga panahong bata-bata pa sila

- Maraming beses na rin umano niyang gustong pumunta ng ibang bansa kasama ang asawa ngunit wala pa ito umanong ipon noon

- Sinabi rin nitong dahil ito sa konting free time nila dahil marami silang trabahong kailangan asikasuhin

Balak-balak palang layasan na ng Kapamilya actor na si McCoy de Leon ang Pilipinas kasama ang nobyang si Elisse Joson noong mga panahong bata-bata pa umano sila.

Aniya, ito raw ay kanyang naisip dahil sa dami ng trabaho nila ni Elisse noon at nagiging hadlang ito para sa kanilang dalawa. Mahirap nga rin umanong pumunta ng ibang lugar dahil sa kanilang paghihigpit sa oras.

Nakapanayam si McCoy ng media at dito na nga niya inamin ang napipintong 'paglalayas' niya sa Pinas dati na dapat sana'y kasama ang asawa niya ngayong si Elisse.

“Lagi ko siyang gustong itakas sa ibang bansa. Ha-hahaha! Pero siyempre bata-bata pa ako nu’n hindi pa ako nakaipon, ganu’n.

“Dating love team namin sobrang araw-araw yung trabaho namin kaya siguro yung time yun din makakahadlang. Kumbaga, konti lang talaga yung free time namin. Kahit makapag ibang lugar mahirap din kasi oras talaga.

“Pero ito ngayon minsan nagbabalak kami mag-dito dito muna, out of town muna, galing nha kaming Bohol nung nakaraan. Pero hindi nawawala sa amin yung excitement pa rin,” pahayag ng aktor.

Dahil sa mahigpit na community quarantine sa bansa dahil sa malawakang pagtaas ng COVID-19, naisipan rin pala nitong mag-migrate na sa labas ng Pilipinas.

“Oo, kasi for me na-realize ko sa pandemic na life is short and hindi natin masasabi yung buhay eh. At the same time para maging safe din.

“Kaya itong mga nangyari sa amin ngayon, gusto ko iparanas sa kanya na makapunta sa ibang lugar and at the same time sa baby namin gusto namin mapasaya.

“Expected naman na merong hard times kasi meron talagang pagsubok in the future pero ang importante yung journey din namin. Yung journey and progress niya growing up, ang saya ma-witness nun and memories din with her. Wala kami halos hirap pero gusto namin mahirapan para matuto pa,” pagbabahagi ni McCoy.

Post a Comment

Previous Post Next Post