FollowLike

Jodi Sta. Maria, dineadma si Iwa Moto? May mensahe patungkol sa pagtindig: "not the time to be quiet"

- Tila dineadma ni Jodi Sta. Maria si Iwa Moto sa sinabi nitong sana ay hindi na nag-announce ng presidential bet si Jodi

- Sa H2H campaign naman ni Jodi para sa Leni-Kiko ay may mensahe ito sa mga tao patungkol sa kahalagahan ng pagtindig

- Sinabi nitong hindi ito ang panahon upang manahimik lang taliwas sa naging reaksyon ni Iwa hinggil sa pagsuporta ni Jodi sa Leni-Kiko

Tila dineadma lang ng Kapamilya star na si Jodi ang sinabi ni Iwa Moto sa kanya nito noong nagdaang Abril na pinadaan niya gamit ang Instagram story.

Matatandaan kasing umingay si Iwa Moto sa social media nang mag-react ito sa pagsuporta ni Jodi sa tambalang Leni-Kiko para sa pagka-bise presidente at presidente sa darating na Halalan.

Last April, nakipag-Q&A si Iwa sa kanyang mga followers sa kanyang Instagram story kung kaya't natanong siya ng netizen kung, "Ano po masasabi niyo na Leni-Kiko si Jodi?" 

May tugon naman dito si Iwa. Aniya, "Hmmmm.... not that surprised... coz we talked about it before. She said she's still undecided that time. Of course, I will respect her decision."

"Kahit naman iba iboto niya di naman mababgo na pamilya kami...At mahal namin at nirerespeto ang isa't-isa. Was just hoping na di na lang siya nag-announce. hihi. Syempre father-in-law namin yung kalaban na candidate. lol. bwahahaha" naging sagot ni Iwa sa netizen.

Ngayon naman ay tila may sagot na si Jodi sa naging pahayag ni Iwa nang mag-ikot ito sa Brgy. Tumana, Marikina City, upang ikampanya si VP Leni at Sen. Kiko sa nasabing lugar.

Naging pahayag ng aktres, “This is what I stand for and many have known me to be, you know, just quiet about certain things and I believe this is not the time to be quiet about what you stand for.

“That’s also the reason why I went out there to show people kung sino iyong mga tao na sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there’s hope in pink.

“Kung ito ang magiging contribution ko, then I’m very much willing na suungin iyong init, iyong pagod, itong mga bagay na ginawa, para sa Pilipinas,” giit nito sa mga tao ng barangay Tumana.

Dinagdag din ni Jodi kung ano ang mga 'importante' sa kanya na kwalipikasyon na rin para sa mga tumatakbo.

“Ako kasi naniniwala ako na you are who you vote for and sila iyong mga tao na nagre-resonate doon sa mga core values na naka-importante sa akin bilang tao,” 

“Importante sa akin ang pagiging matapat, importante sa akin ang pagiging hardworking, importante sa akin ang transparency and accountability and sa kanila ko nakikita iyong mga katangian na pinapahalagahan ko sa aking buhay. Kaya sila dapat,” 

“Nakakatuwa kasi napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa Barangay Tumana. I would say na hindi naman sila naging mga suplado or hindi kami napansin pero they’re very open, they’re very open to listen to what we have to say,” aniya.

Post a Comment

Previous Post Next Post