FollowLike

Alora Sasam, sinabing na-'showcase' na ni Joshua Garcia ang kanyang 'front and back'

- Body positivity ang sigaw ngayon ng Star Magic para sa summer campaign nito ngayong taon

- Ibinandera naman ni Alora Sasam ang kanyang katawan sa Instagram bilang pakikiisa sa kampanyang ito ng Star Magic 

- Biniro naman niya ang kanyang 'bestie' na si Joshua Garcia dahil siya nalang daw ata ang kaibigan nitong never magiging rumored boyfriend niya

Nakiisa ang Kapamilya actress na si Alora Sasam sa Body Positivity summer campaign ng Star Magic sa pagbabahagi nito ng kanyang katawan sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing Instagram post din niya ibinandera na ang kanyang Body Positivity flex na mag-suot ng bikini nang hindi nahihiya. Proud naman ito sa kanyang katawan–sa kulay, sukat, at laki.

“#BodyPositivity flex ay mag-bikini confidently, unapologetically and proudly whatever your color, size, shape, scars or age,” caption niya.

May isa pa itong IG post kung saan Ibinahagi niya ang kuhang litrato sa kanya ng Kapamilya star na si Joshua Garcia.

Caption muli nito, “Papunta pa lang tayo sa exciting part. Sa mga ka-BILBIL ko dyan front and back, I GOTCHU. ILALABAN NATIN YUNG HULMA NATIN!

“‘Yung Inday Bilbilchina na ito may pa launching sa May 1 for Star Magic Hot Summer in Baler sa @asapofficial together with mga kapatid natin sa @starmagicphils,” dagdag pa ni Alora. 

Special mention naman ang aktor sa post na ito ni Alora at binansagan pang ang kanyang bestie na hindi niya magiging rumored boyfriend. Niloko pa nga niya ito at sinabi kung pwede na silang ma-link. 

“To my bestie na never ko atang magiging rumored boyfriend @garciajoshuae thank you sa pic na ‘to!

“Naghahanap ako ng pic talaga na kita bilbil ko, front and back pa ang na showcase mo! Akong-ako to! Konti pa lang ang lalaking nakakita ng bilbil ko, so pwede na ba tayo ma link?” saad ng aktres.

Post a Comment

Previous Post Next Post