FollowLike

Gregg Homan, napa-sabi ng 'grabe' sa ginawa ni Angelica sa kanya: "Umalis ka, may pamilya na 'ko..."

- Natuwa ang netizens sa kulitan ng mag-partner na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa kanilang videong ibinahagi sa social media

- Sa video kasi ay makikita na nagkukunwaring hindi niya kilala si Gregg dahil wala umano itong kilalang nagg-gym sa kanilang bahay

- Tila pinapalayas pa nga niya ito dahil may pamilya na siya at ang nagawa nalang ni Gregg ay mapa-sabi ng 'grabe' si Angelica

Nagbigay saya ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa kanyang mga followers sa Instagram sa pamamagitan ng pagbabahagi ng video ng kulitan ng partner niya na si Gregg Homan.

Sa nasabing Instagram story ay makikitang may nakadikit na sulat sa salamin ng kanilang bahay na tila ba hindi niya pinapayagang makapasok si Gregg pagkatapos nito mag-gym.

Sulat ni Angelica, "Nag-gym ka? Who you? Do not enter, may pamilya na 'ko," sabay sabing, "Wala kaming kilalang nagg-gym sa bahay na 'to, umalis ka, may pamilya na 'ko," saad ng aktres.

Natawa nalang si Gregg at napasabing, "Tatay po ako," at "grabe siya sa 'kin," na tinutukoy si Angelica.

إرسال تعليق

أحدث أقدم