FollowLike

Angel Locsin, umaasang maganda ang pamumuno ng BBM-Sara: "for our country's sake..."

- Nagbahagi si Angel Locsin sa kanyang Instagram account ng isang mensahe para kina VP Leni at sa susunod na administrasyong Marcos

- Nagpasalamat naman ito kay VP Leni Robredo para sa inspirasyon at sa pagiging tunay na lider sa ating bansa

- Umaasa naman ito sa presumptive president, vice president, at senators na magiging maayos ang kanilang pamamahala

Isinabuhay ng Kapamilya star na si Angel Locsin ang Kakampink slogan na "Radikal ang Magmahal" sa kanyang pahayag na mensahe kina Vice President Leni Robredo, presumptive president na si Marcos Jr. at running mate nito na si Sara Duterte.

Nitong May 14, nagpost ang aktres ng kanyang litrato na kuha mula sa pa-thanksgiving party ni VP Leni sa Ateneo de Manila University nitong nakaraang Biyernes, May 13.

Mensahe nito sa pamamagitan ng kanyang caption, "Naipit man sa traffic ng apat na oras, masaya’t nakahabol sa thanksgiving rally :)

"Thank you VP Leni for showing grace in defeat last night. A true leader indeed. Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya. Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa," pasasalamat niya kay VP Leni.

Para naman kina Marcos Jr., Sara Duterte at sa ilan pang senador, "For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators. I’m hoping they’ll do better than our past leaders. I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo."

Dagdag pa niya, "I understand na minsan mahirap, kaya kapag tingin ninyong kaya nyo na, ituloy ang “radikal na pagmamahal”. Otherwise, hanggang slogan lang pala tayo kung ganun.

"Despite everything, Saludo sa lahat ng tumindig. Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo. Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo. Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan.

"Kapag nalulumbay, pakinggan ang kantang “Rosas” at alalahain na hindi ka nagiisa. Karamay mo kami. Salamat Nica Del Rosario, nasambit mo ang nararamdam ko. Napakaganda ng iyong pag kanta at pagkasulat," pahayag pa ng aktres.

Pagbabalik-tanaw niya muli kay VP Leni, "Maraming salamat po uli VP Leni sa inspirasyon. Happy for you that you’ll finally get to rest and spend time with your family. Goodluck po sa Angat Buhay Foundation! :)"

إرسال تعليق

أحدث أقدم