FollowLike

Vice Ganda, viral sa kabutihang ginawa niya sa isang lolo: "super blessed si Meme Vice kasi..."

- Viral si Vice Ganda dahil sa tulong na ginawa niya sa isang lolo sa Tarlac kasama ng kanyang mga kaibigan

- Kamakailan kasi ay bumisita sila sa Monasterio de Tarlac, isang monasteryo sa lugar

- Noong nandoon sila ay nakakita sila ng isang matandang nagpe-perform na agad naman pinakinggan ni Vice Ganda

Nag-viral ang Kapamilya "Unkabogable Star" dahil sa kabutihang pinairal nito sa isang lolo nang bumisita sila sa Tarlac, partikular sa sikat na monasteryo roon.

Spotted kasi si Vice at kanyang mga kaibigan na nagbibigay ng tulong sa isang matandang lalaki na nagpe-perform sa kalsada.

Navideo-han naman ito ng isang TikTok user na may username na "@mmmitchmmm" kung saan agad namang umulan ng likes ang pagpapakita ng kabutihan ng aktor. Samu't-saring komento rin ang nagsilabasan sa nasabing video.

Sa video, makikitang nakikinig si 'meme Vice' sa kumakantang lolo at naupo pa sa kalsada upang pakinggan ang magandang himig ng matanda.

Sabi naman ng ilang nagcomment, kuha raw ang video sa Monasterio de Tarlac na parte ng parte ng Mount Resurrection Eco Park.

Maliban rito, naglapag rin si Vice ng maraming pera sa lagayan nito na nakalagay sa tabi ng lolo. Marami namang natuwa sa pagbibigay blessing ni Vice sa matanda.

"Alam mo talaga ang tao galing sa hirap. Di takot umupo sa kalsada. Thanks meme"

"Kaya super blessed si Meme Vice kasi alam niya tumulong sa mga taong kapos palad. Yung malapitan ka lang niya nang walang arte eh laking biyaya na sa kagaya natin."
@mmmitchmmm Reply to @mj.ilaya Napasaya nyo po kaming lahat! Busog ang puso sa kakatawa at sa nawitness namin na kabutihan. THANK YOU ALL @unkabogableviceganda @negi_ggv and buong team po ninyo.♥️😍 God bless you more! #memevice #viceganda #memeviceganda #viceion #mylodicakes #viceion_official #ionvice #foryou ♬ original sound - MMMMiTCH

إرسال تعليق

أحدث أقدم