FollowLike

Maris, Elisse, may hugot sa pagkakaroon ng jowa: “huwag kayong papayag na...”

- Humugot ang ilang Kapamilya actress ng 'The Goodbye Girl' para sa mga possessive na boyfriends

- Nagbigay rin sila ng payo sa mga may relasyon na huwag na huwag papayag na maging hadlang ang kanilang jowa sa mga pangarap

- May ikinuwento pa si Maris hinggil sa mga maling taong dapat mong iwasan sa mga relasyon

May hugot ang Kapamilya actresses na sina Elisse Joson at Maris Racal ng iWant Original series na 'The Goodbye Girl' patungkol sa mga negatibong boyfriend ng may mga karelasyon. 

Sa virtual mediacon ng nasabing programa, ibinahagi nina Maris at Elisse ang mga natutunan nila pagdating sa pagkakaroon ng relasyon sa isang tao lalong lalo na noong mga bata pa sila. 

Ayon sa kanila, hindi dapat maging hadlang ang iyong jowa sa mga pangarap mo sa buhay, “Huwag na huwag kayong papayag na maging hadlang sa pag-abot sa inyong pangarap ang mga jowa niyo!” payo ng Kapamilya stars.

“Your boyfriends right now, hindi dapat sila maghi-hinder sa ’yo sa growth mo because you’re here, your early teenager (years), early 20s,” sabi ni Maris.

“Sobrang-sobrang importante ‘yan sa growth mo. So you should just focus on yourself,” dagdag pa niya. 

Ikinuwento pa niya ang isang katangian ng tao na hindi para sa iyo, ito raw ay kung ang karelasyon mo ay dinidiktahan ka sa kahit anong mangyari sa iyong buhay. Paalala pa niya, pakawalan mo na raw ang ganong uri ng tao sa iyong puso. 

“And kung may someone man na hahawakan ka o ikukulong ka para hindi mo gawin ‘yung gusto mo, let him go. That’s the wrong person for you,” saad ni Maris.

Para naman kay Elisse Joson, ang dapat na taong kasama mo raw sa buhay ay ang taong tutulungan kang umangat at sasamahan ka sa pag-abot ng mga pangarap.

“Whoever you choose to be around with or whoever you choose to be your partner, dapat both of you, you lift each other up.” 

“Hindi dapat ‘yung taong ‘yun hihilain ka pababa kasi walang mangyayari sa inyo kapag ganoon,” sabi ng aktres.

إرسال تعليق

أحدث أقدم