FollowLike

Ogie Diaz, muling nilinaw na hindi siya galit kay Xian Gaza sa kabila ng pagiging Marites nito

- Matatandaang naglabas ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa pagkakadawit nila ni Liza sa mga kontrobersyal na posts ni Xian Gaza

- Sinabi nitong hindi naman siya galit at  magkumpare't kaibigan pa rin sila ni Xian

- Dagdag pa niya, hindi naman daw lahat ng mga desisyon ni Xian ay may basbas niya

Matatandaang nadawit sa mga espekulasyon sina Ogie Diaz at alaga nitong si Liza Soberano sa kadahilanang nabanggit ang mga pangalan nila sa post ni Xian Gaza na ngayo'y deleted na.

Sinabi kasi ni Xian na hindi niya maaaring itsismis si Liza dahil kumpare niya ang manager nitong si Ogie. Dagdag rin niya, “chairman” daw kasi umano ang tawag ni Liza sa kanya at nirerespeto niya nang mataas ang aktres.

Nito lang ay inamin muli nitong hindi siya galit kay Xian Gaza. Wala naman daw siyang kinalaman sa mga desisyon na ginagawa ni Xian ayon sa kanyang bagong showbiz vlog.

"Hindi po ako galit kay Xian Gaza. Opo, at magkumpare at magkaibigan pa rin po kami. Ang nililinaw ko lang, hindi po lahat ng desisyon sa buhay ni Xian Gaza ay may basbas ko. Kung paano ang mga desisyon ko sa buhay ay wala rin namang basbas ni Xian Gaza," pahayag ni Ogie Diaz.

Lagi naman siyang napapanood sa mga YouTube vlogs niya kung saan naghahatid siya ng mga maiinit na showbiz updates patungkol sa mga kilalanin artista at personalidad sa kanilang industriya.

إرسال تعليق

أحدث أقدم