FollowLike

Rob Moya, nagsisisi sa hiwalayan nila ni Toni Fowler?

- Sa latest vlog ni Rob Moya na may title na “Nagsisisi Ako”, ipinakita ng vlogger ang kanyang pagsisisi sa kontrobersyal na break up nina ni Toni Fowler

- Ibinahagi rin niya kung bakit ang pakiki-pag break kay Toni ang isa sa pinaka pinagsisihan niyang ginawa

- Ayon kay Rob, masyado nang huli ang lahat para sa dalawa

Kilala si Rob Moya at ang kanyang ex-girlfriend na si Toni Fowler sa YouTube bilang isang content creator. Nag-viral rin ang dalawa sa kontrobersyal na break-up at nagpunta pa sa “Raffy Tulfo in Action” dahil dito. 

Sa ngayon, viral na sa social media ang latest vlog ni Rob Moya patungkol sa kanyang mga pinagsisihan kaugnay ang pakikipag-break nila (Toni Fowler) sa isa't-isa. 

Napukaw nito ang atensiyon ng netizens ng makita itong nakikipag video call kasama ang ex nitong si Toni, kasama ang title ng vlog na “Nagsisisi Ako” 

Hindi napigilan ni Rob ang kanyang emosyon dahil naging emosyonal ito kasabay ng pag-sabing: "Sad talaga ako. Kahit meron akong lahat nito, yung fame o money. I'm not happy. I miss them. I miss her talaga."  

Nang may magtanong sa kanya kung anong nararamdaman niya kay Toni, sinabi nitong alam na niya na huli na para sa kanila. 

"Alam naman niyang mahal ko siya syempre pero hindi ko naman mababalik yung oras na sana hindi na lang ako umalis." 

Dagdag pa ni Rob, isa sa pinakamalaking pinagsisisihan niya ay ang magbreak sila ni Toni: "Yan yung pinaka malaki kong pagsisisi na hindi ko man lang sinubukan ulit, na hindi ko man lang nilaban yung relasyon namin."

إرسال تعليق

أحدث أقدم