Hindi maipagkakaila na isa si Toni Gonzaga sa mga magagaling at mahuhusay na aktres sa Philippine showbiz industry. Bukod sa husay sa pag-arte, isa ding magaling na singer at host ang Kapamilya actress kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit matunog ang kaniyang pangalan at marami ang humahanga sa kaniya.
Si Toni ay isa din sa mga maituturing na versatile celebrity dahil kahit anong role ang ibigay dito ay maayos niya itong nagagampanan.
Ngunit, marami sa mga fans ang nagtatanong kung may bagay pa na nais makamit si Toni sa kabila ng kaniyang mga achievements sa kaniyang personal na buhay at career.
Karamihan sa mga artista sa Pilipinas ay pinapasok din ang mundo ng politiko, tulad na lamang nina Senator Tito Sotto, Governor Vilma Santos, Mayor Isko Moreno, at iba pa. Kaya naman tanong ng karamihan ay kung may balak ba si Toni na sumunod din sa kanilang yapak.
Sa panayam ng social media influencer na si Wil Dasovich kay Toni noong Hulyo 14, tinanong niya ang Kapamilya star kung may posibilidad ba na sumali siya sa politika.
Tanong ni Wil,
"I've noticed, something that trends in the Philippines is later on in life, after entertainment industry is done or you're over it, a lot of people transitioned to politics. Now, is this something that you see yourself maybe doing in the future?"
Ayon kay 37-anyos na celebrity mom, sa ngayon ay wala pa sa plano niya ito. Ngunit, ayaw din niya na magsalita ng tapos dahil hindi naman niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniyang buhay sa hinaharap.
Deretsahang sagot ng aktres,
"I don't see myself in politics right now or anytime soon. But I don't wanna say, never say never, di ba? No, but I don't really see myself being a politician. In my heart right now, I don't feel like that is something I should be doing. That's what I feel."
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang ama ni Toni na si Carlito "Bonoy" Gonzaga ay isa ding politiko. Nagsilbi ito bilang Vice Mayor ng Taytay, Rizal sa loob ng ilang taon. Tumakbo ito noong 2019 ngunit hindi pinalad na manalo.