FollowLike

Rob Moya, Binigyan Ng Mamahaling Regalo Sina Toni Folwer At Tyronia, Pero Tyronia Iba Ang Naging Reaskyon


Hindi na pinalagpas pa ni Rob Moya ang pagkakataon na makabawi sa mag-inang sina Toni at Tyronia Fowler noong sila ay magkaayos muli. Sa katunayan nga niyan ay bumili pa si Rob ng alahas para sa mag-ina bilang regalo na din niya sa kaarawan ni Toni.

Isang set na alahas ang binili ni Rob para kay Toni na personal pa niyang inabot dito at sinuot pa niya mismo ang kwintas kay Toni.

Makikita din sa vlog ang naging reaksyon ni Tyronia noong inabot na sa kaniya ng kaniyang ina ang regalo ni Rob.


Ngunit, marami sa mga netizens ang nakapansin na tila nag-iba ang reaksyon ni Tyronia noong sabihin ni Toni na galing ang regalo na iyon mula kay Rob. Gayunapaman, nagpasalamat pa din si Tyronia dito kahit nag-alangan pa siya kung pano niya tatawagin ang dati'y kaniyang 'Daddy Rob'.

Kung maalala ay naging kontrobersiyal sina Rob at Toni ngayong taon dahil sa ginawa umano ni Rob na paggamit sa mga savings na naipon ni Toni para sa anak na si Tyronia at sa third party issue umano na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Gayunpaman, pinili nina Rob at Toni na ayusin ang nangyaring gulo sa pagitan nila. Matatandaan na nito lamang ay nagkaayos muli ang dalawa at pinili na maging mabuting magkaibigan.

Marami sa mga netizens ang natuwa dahil sa muling pagkakaayos nina Rob at Toni. Ang ilan ay hinihiling pa nga na mag-comeback ang dalawa. 


Si Rob Moya ay isa aktor at YouTube vlogger na naging karelasyon ng kapwa vlogger na si Toni Fowler. Unang nakilala si Rob sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo niya at pagiging isang mabuti at mapagmahal na ama sa anak ni Toni na si Tyronia kahit pa man ito ay hindi niya tunay na anak.

إرسال تعليق

أحدث أقدم