Ibinahagi ng aktres na si Nadine Samonte sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 5, 2021 ang hirap na kaniyang pinagdaanan para sa kaniyang 3rd pregnancy.
Kahit pa man nahirapan ang aktres sa kaniyang 3rd pregnancy, malaki pa din ang kaniyang pasasalamat sa development ng kaniyang baby.
Ayon kay Nadine, muli niyang pinagdadaanan ang Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS) at Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS).
Base sa website ng Healthline.com, ang mga buntis na nakakaranas ng PCOS ay isang “hormonal disorder” na "three times more likely to have a miscarriage."
Ayon sa MedScape.com, ang APAS ay isang “autoimmune disorder”. Ito ay posibleng maging sanhi ng mga kumplikasyon sa pagbubuntis, katulad ng "preeclampsia, thrombosis, autoimmune thrombocytopenia, fetal growth restriction, and fetal loss."
Saad ng Starstruck alumna, noong first trimester umano niya ay muntik na siyang makunan kaya hindi naging madali ang mga pinagdaanan niya.
Pag-amin pa niya, “Ang dami kong iniyak sa journey. I won't give up ever!!! I'll fight and stay strong for them!!!
"Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin to. Hello to our rainbow baby soon. Our last...” dagdag niya.
Sa naturang post ni Nadine, makikita ang larawan ng kaniyang tiyan na maraming pasa pati na din ang syringe at isang Tinzaparin sodium na nakakatulong para maiwasan ang blood clot.
Ngunit ito ay hindi na bago para sa aktres.
Matatandaan na noong pinagbuntis niya ang panganay na anak niya na si Heather Slone ay kinailangan niya na mag-take ng 53 tablets araw araw maliban sa Heparin shot.
Noong ipinagbuntis naman niya ang kaniyang pangalawang anak na si Austin Titus, eto naman ang kaniyang prescription, "30 tablets a day, once a day (Innohep) injection, and every 3 days Proluton injection."
Noong Hunyo lamang ay inanunsyo ni Nadine ang pagbubuntis niya sa kanilang ikatlong anak ng asawa na si Richard Chua.