FollowLike

Mag-Asawa, Nagulantang Sa Idinagdag Ng Waiter Nang Ipina-Takeout Nila Ang Natirang Pagkain

Kinagiliwan ng mga netizens ang kwento ng mag-asawang nagpa-take out ng natira nilang pagkain mula sa isang restaurant sa Batangas.

Sa post ng mister na si Lorenzo Faraon, nanghinayang umano sila ng kaniyang misis sa pagkain na kanilang natira noong kumain sila sa isang restauranta sa Batangas kaya napagdesisyunan nilang mag-asawa na ipabalot na lamang ito para maiuwi pa nila.

Pero dahil nahihiya siyang magsabi na ite-take out na lamang nila ang natirang pagkain, sinabi na lamang nila sa waiter na balutin ang mga pagkain para sa kanilang alagang aso.

Ngunit ang totoo ay kakainin pa sana nila ang pagkain na natira kung sakali man na sila ay magutom pag-uwi ng kanilang bahay.

Pagbabahagai ni Lorenzo,

“So tinawag ko si kuyang waiter, sabi ko bossing sayang ito itake-out ko nalang para sa aso nmin.”

Noong ibinalik na sa kanila ang kanilang take out, magiliw pa na sinabai sa kanila ng waiter na dinagdagan na niaya ito ng pagkain upang mas marami ang maipakain nila sa kanilang alagang aso.

"Sinamahan ko na din po ng iba pang tira-tira para mas madami po kayong maiuwi sa aso niyo.” 

Natulala na lamang daw sila sa waiter at sinabi sa sarilai na sana ay inubos na lamang nilang mag-asawa ang pagkain na natira.

Mabilis na naging viral sa social media ang naturang post ni Lorenz at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. May ilan na natawa sa karanasan ng mag-asawa ngunit may ilan din naman na nagpahayag na sana ay sinabi na lamang ang totoo sa waiter.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"wla namn kase nkakahiya magpatake out.. nsa pagkatao mo na un kung masyadong mataas tingin mo sa sarili mo kya nahihiya ka gawin ung mga karaniwang ginagawa ng mga ordinaryong tao.."

"Wag ka kc magkunwari tama naman s waiter mapagbigay pa"

"sayang na tuloy hahah imbis malinis nasaliham pa ng ibang tiratira "

"Mapagkawanggawa yung waiter e tutal aso naman yung kakain eh,dapat sinabi na lng pakibalot under stood na yun ng waiter na sa tao yun,lesson learn mag paka totoo"

Post a Comment

Previous Post Next Post