FollowLike

Kilalanin Ang Aktor Na Nakakapagpawala Ng Focus Ang Kagwapuhan Ayon Kay Ellen Adarna

Muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang aktres na si Ellen Adarna matapos banggitin ang pangalan ng aktor na si Patrick Garcia sa tanong ng isang netizen kung sino sa mga aktor ang nagaguwapuhan niya.

Hindi maipagkakaila na isa sa mga magaling na aktor si Patrick Garcia. Bukod sa husay sa pag-arte, siya din sa mga aktor na may pinakamagandang mukha at busilak na puso sa showbiz industry.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga sa kaniya, maging ang mga kapwa niya personalidad.


At sa edad na 39, tila walang kupas ang kagwapuhan ng isang Patrick Garcia dahil hanggang ngayon ay lutang na lutang pa din ang taglay nitong kagwapuhan.

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang video ng aktres na si Ellen Adarna kung san tinanong siya ng isang netizen kung sino ang pinakagwapong artista na nakita niya o nakatrabaho.

Sa naturang video, inihayag naman ng aktres ang karanasan niya sa scene nila ni Patrick kung saan ang role niya rito ay asawa ng aktor.

Pag-amin pa ni Ellen na minsan ay nade-destruct umano siya sa ilang scene nilang dalawa sa tuwing tinititigian niya si Patrick.

Saad pa ni Ellen ay napakagwapo ni Patrick, lalo na sa personal kaya naman hindi niya mapigilan na mawala sa focus pagdating sa kanilang shooting.

Ang naturang video ni Ellen ay muling nag-viral sa social media at umani ng iba't ibang komento mula sa mga netizens. 


Maraming netizens naman ang sumang-ayon sa aktres. Saad pa ng ilan ay kahit makatrabaho din nila si Patrick o di kaya ay matignan ng malapitan ay maging sila ay mawawawala ang focus sa kanilang gagawin dahil sa taglay na kagwapuhan nito. 

May ilang netizens din na nagpahayag ng kanilang paghanga sa kanilang ultimate crush.

إرسال تعليق

أحدث أقدم