FollowLike

High School Graduates, Pwedi Nang Mag-Apply As Cabin Crew/Flight Attendant


Isa ka rin ba sa mga nagnanais na maging Flight Attendant o FA? Kung oo, isa itong magandang balita para sa iyo.

Ayon sa anunsyo, mayroon ng ilang airline companies ang tumatanggap ng applicants bilang FA kahit nakapagtapos lamang ng high school.

Ang maging isang Flight Attendant ay isa sa mga trabaho na pinapangarap ng karamihan, lalo na ang mga kababaihan. Ilan sa kanila ay dahil ninanais na makapaglibot o makapag-travel sa iba't ibang parte ng mundo. Bilang isang Flight Attendant, hindi naman talaga malabong makapunta ka sa iba't ibang destinasyon o iba't ibang lugar kung saan lalapag ang eroplano na iyong sinasakyan.


Ang mga Flight Attendant ay isa sa mga naninigurado ng kaligtasan ng bawat pasahero sa eroplano. Trabaho nila na masigurong komportable ang mga pasahero sa pagbabyahe at matugunan ang bawat pangangailangan ng mga ito.

Sa tuwing mayroong sakuna, sila din ang isa sa mga unang nagpapakalma sa mga pasahero. Sinisigurado din nila na sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng Federal Aviation Adminsitration.

Kung noon ay kailangan mo pa magkaroon ng diploma ng kolehiyo o di kaya makapagtapos ang isang indibidwal ng isang dalawa o apat na taong kurso sa kolehiyo at sumabak sa matinding training upang maging isang ganap na Flight Attendant.

Ngunit, ayon sa anunsyo ng isang socmed page na Becoming a Flight Attendant, mayroon na ngayong mga airlines ang tumatanggap ng mga aplikante na nais maging Flight Attendang kahit sila ay nakapagtapos lamang ng high school.

Ang nasabing socmed page din ay naglabas ng listahan ng mga airlines na tumatanggap ng mga aplikanteng high school graduate. Maraming indibidwal ang nagnanais na maging Flight Attendang dahil tinuturing na din ito bilang isa sa mga pinakamagandang trabaho bukod sa libreng byahe sa iba't ibang lugar.

Ang pagkakaroon ng height o tangkad na karawaniwan ay hindi bababa sa 5'3 ay isa sa mga qualifications ng ilang airlines. Bukod pa diyan, requirement din ang pagkakaroon ng maayos na ngipin at presentrableng mukha.

Syempre, ang timbang ng isang Flight Attendant ay dapat nakatugma sa kanilang tangkad. Dapat din ay maganda ang ngiti na nakakatawag ng pansin.

Mayroon namang ilang airlines na tumatanggap lamang ng aplikante na hindi lalagpas sa edad na 27. Syempre, hindi mawawla ang pagkakaroon ng mature na pag-iisip at positibong pag-uugali.

Ang komunikasyon ay isa din sa mga mahahalagang bagay na dapat mayroon ang isang Flight Attendang. Dapat din ay magaling sila sa wikang English sa parehong pagsulat at pagsalita.

Kahit pa man madami ang requirement na kailangan ipasa upang maging isang Flight Attendant, tiyak naman na lahat ng ito ay magiging worth it at ang sahod na kanilang matatanggap ay malaki din.

Ayon sa DOLE o Department of Labor and Employement, ang sweldo ng isang Flight Attendant ay umaabot ng Php18,000 hanggang Php26,000 kahit sila ay nagisisimula pa lamang. Maaari pa itong tumaas hanggang Php36,000 hanggang Php54,000 kapag sila ay tumagal.

Maliban sa maayos na pasahod, mayroon ding mga incentive na ibinibigay ang kumpanya para sa Flight Attendant.

Kaya hindi na din nakakapagtaka kung bakit maraming nangangarap na maging isang Flight Attendang kahit pa man marami at mahirap ang proseso na kailangan nilang pagdaanan. Hindi naman nga kasi matutumbasan ang kasiyahan na makapunta o makapasyal sa iba't ibang bansa bilang trabaho at ng libre at maganda pa ang pasahod na ibibigay sayo.

Post a Comment

Previous Post Next Post