FollowLike

John Estrada, 'kinilig' kay Coco Martin; Sharon, ayaw pang matapos ang 'Ang Probinsyano'

- Inamin ni John Estrada na ang message sa kanya ni Coco Martin ang dahilan kung bakit siya naging masaya nang sobra sa kanyang kaarawan

- Pinadalhan kasi siya ni Coco ng isang mensahe para sa kanyang kaarawan nitong nagdaang June 13

- Nag-comment naman dito si Ms. Sharon Cuneta na sinasabing ayaw pa niyang matapos ang 'FPJ's Ang Probinsyano'

Nagpost sa Instagram account ang Kapamilya actor na si John Estrada ng birthday message sa kanya ng kanyang matalik na kaibigang si Coco Martin na bida ng hit ABS-CBN series na 'Ang Probinsyano'.

June 13 ang kaarawan nito at ibinahagi naman niya ang mensahe ni Coco nitong June 15 na siya namang dahilan kung bakit 'kinilig' ito base sa kanyang caption.

“Kuya John thank you sa lahat…sa lahat ng suporta mo sakin at lagi ko pong binabaon sa puso at isip ko ang lahat ng mga kwentuhan at pangaral mo sakin. Isa ka sa mga kaibigan ko na sobra kong pinahahalagahan.

"Wala akong masabi sayo kundi thank you so much and happy happy birthday. Hangad ko sayo at sayong pamilya ang kaligayahan at kaligtasan. Mas lalo ka sanang pagpalain ni God. Love you very very much.” mensahe ni Coco sa kanya.

Napaantig naman ni Coco ang puso ni John kaya naman nag-caption ito ng, “Bukod sa messages sa akin ng asawa ko at ng mga anak ko, mga matalik kong kaibigan, Itong bday message sa akin ni coco kahapon ang masasabi kong nag pasaya ng sobra sa aking kaarawan.

“Sobra ang paghanga ko sa taong to, kung makikita nyo lang ang galing, dedikasyon,sipag, pagmamahal ng taong to sa trabaho nya at higit sa lahat ang pakikitungo nya sa mga katrabaho nya, d lang sa kapwa nyang artista lalong lalo na sa mga taong wala sa kamera, mapapanganga kayo sa paghanga sa kanya, maraming maraming salamat co, at mahal na mahal na mahal ka rin ni kuya john mo.

“At sa lahat ng mga tao na nasa paligid ko na nag papa gaang sa buhay ko dito sa trabaho natin … Maraming salamat, Mahal ko kayong lahat," caption pa niya.

At dahil nga napapabalitang magtatapos na ang kanilang serye, napa-comment naman si Sharon Cuneta ng, "AYOKO PA MATAPOS!!!" na mayroon pang hearts at crying emoji.

Post a Comment

Previous Post Next Post