FollowLike

Sinabi ni Miriam Defensor na tumutugma sa politika ngayon, ibinalik ni Ogie Diaz

- Ibinalik ni Ogie Diaz ang dating sinabi ni late Sen. Miriam Defensor-Santiago sa closing statement nito para sa 2016 PiliPinas debates

- Ilan sa mga katangiang taglay umano ng isang presidente ay akademikong kahusayan, propesyonal na kahusayan at kahusayan sa moralidad

- Running mate rin ni Defensor ang dating senador na si Marcos Jr. na natalo ng isang babae at ilang beses din itong nagpa-'recount'

Dahil maugong ngayon ang sandamakmak na posts para sa Halalan 2022 sa Lunes, May 9, ay ibinahaging muli ni Ogie Diaz ang dating sinabi ni late Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Sa kanyang Instagram story ay nirepost niya ang dating quote card mula sa Philippine Star na may laman sa kung anong sinabi ni Defensor para sa closing statement nito para sa Pilipinas Debates 2016.

May paalala si Defensor dito na hindi “personality contest” ang pagtakbo sa pagka-presidente at kailangan ng akademikong kahusayan pagdating sa pagtakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa. 

Ngayon naman ay tila napapanahon ang sinabing ito ni Defensor lalong-lalo na sa mga tumatakbo ngayon sa presidenteng posisyon partikular na kina Vice President Leni Robredo at Marcos Jr. sa madiing sabi nitong kailangan ng “academic excellence” na makikita naman sa dalawang kandidato kung sino ang mas lamang. 

Ani Defensor, “This is not a personality contest. This is a show to educate the Filipinos. 

“The next president should have academic excellence, professional excellence, moral excellence. 

“Dapat ang iboto natin, walang bahid sa kanyang record.” pahayag nito.


Post a Comment

Previous Post Next Post