FollowLike

Partner ni Angeline Quinto, habol lang ang pera? Angeline, nag-react: “magugulat na lang ako...”

- Inimbitahan ni Angeline ang kanyang partner sa isang YouTube vlog para sa isang masayang Q&A 

- Nagreact si Angeline Quinto sa mga taong nagsasabing pineperahan lang siya ng kanyang partner na si Nonrev Daquina

- Pinabulaanan naman niya ito at sinabing siya pa raw ang namemera kay Nonrev kung minsan kung nakukulangan sa cash

Masayang Q&A ang bagong YouTube vlog ng Kapamilya star na si Angeline Quinto kasama ang kanyang imbitadong partner na si Nonrev Daquina.

Dito niya natanong si Nonrev kung anong masasabi nito sa mga taong nagsasabing para lang sa pera ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Angeline. Nagbiro pa nga ito nang marinig ang tanong sa kanya ng singer.

Ani Nonrev, siya nga raw ang pineperahan dito taliwas sa mga sinasabi ng ilang netizens. Natawa naman ang dalawa sa joke ni Nonrev. "Ako talaga yung pineperahan dito. Joke lang."

Tila sumang-ayon naman si Angeline sa pag-amin ng kanyang partner dahil sa tuwing kulang ang kanyang pambayad, si Nonrev ang sumasalo para rito.

"Ako pa yung namemera sa kanya. Totoo 'to kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa cellphone ko, so every time magkukulang 'tong pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap tapos magugulat na lang ako, nakalista lahat,” pahayag ni Angeline.

Dagdag pa niya, “Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga."

Post a Comment

Previous Post Next Post