FollowLike

Sharon Cuneta nagpasalamat at nagbigay mensahe sa lahat ng bumati sa kaniyang kaarawan

- Todo pasasalamat ang mega star sa mga bumati sa kanya ng maligayang kaarawan nito lamang January 6

- Inulan naman siya ng mga mensahe ng kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz

- Tila humingi ng paumanhin ang aktres base sa caption nito sa kanyang Instagram post

Nagpasalamat ang Kapamilya star na si Sharon Cuneta sa lahat ng taong bumati at inalala ang kanyang birthday nito lamang January 6.

Kasama na rito ang kanyang mga kaibigan at fans na nagbigay mensahe at regalo pa para sa kanyang kaarawan. Binati rin ito ng mga kasamahan nito sa showbiz tulad ng mga Kapamilya stars na sina Judy Ann Santos at Dimples Romana.

Laking tuwa naman ng megastar nang magpost ito sa Instagram ng kanyang litrato na naka photo collage kung saan makikita rito ang ilang mga throwback pics bilang isang birthday post.

“Yup – these all me! Thank you so very much to all of you who sent me gifts (though totally unnecessary, truly much appreciated!), cards, text messages to wish me a Happy Birthday today! 

Tila nag-sorry naman si Sharon dahil hindi na daw niya ma-post ang mga pictures isa-isa sa sobrang dami. Nagpasalamat rin siya sa Panginoon at sa lahat ng Kapamilya nito. 

“So sorry po, ‘di ko na kayang i-post isa-isa sa dami! But am thankful to God Almighty for all of you! You are in my (heart). I love you all so much, family, friends, and Sharonians/Sharmy!!! So blessed to have you all in my life,” ang isinulat niyang caption sa kanyang IG post.

Kasama sa mga nagcomment ay ang anak niya kay Gabby Conception na si KC Conception. Aniya, sana raw ay mapuno ng masayang ala-ala ang kanyang kaarawan.

“January 6th has always been a special day. Happy birthday to the Queen! My first best friend, my first valentine, my only mama. May your day be filled with joy, laughter and love. I love you always, and no matter what,”

Narito rin si Judy Ann upang magbigay ng mensahe sa kanyang matalik na kaibigan na itinuturing na rin niyang kapatid.

“Para sayo kakanta ako ng live nang walang sabi sabi ate @reallysharoncuneta. Para sayo, magluluto ako ng mga paborito mong pagkain agad agad….

“Mula sa pinakasarap na curry hanggang sa pinakamabahong keso ibibigay ko sayo. Ganyan ka kahalaga sa akin. Happy birthday my dearest ate! 

“I love you with all my heart… apdo, balunbalunan, bituka, liver, kidneys, lungs atbp. We love you forever!”

Maging si Dimples Romana ay nagbahagi ng kanyang birthday greetings: “Happy happy birthday to this beautiful soul @reallysharoncuneta who never fails to inspire all of us with her humility, genuine care and love for others and her warmth that I have been blessed to experience many time over.

“I love you Ms Sharon! I’ll be your fan forevs. Praying you’ll have lots of life’s most beautiful surprises.”

Post a Comment

Previous Post Next Post