FollowLike

Melai, nagbahagi ng katunayan na kasabwat si Jason sa panliligaw ni Ryan kay Yeng noon

- Tila nagkagulatan sina Yeng Constantino at Ryan Bang sa posibilidad na maging sila dahil sa nangyari sa kanila noon

- Nilinaw naman ni Yeng na hindi daw niya binasted si Ryan na taliwas sa akala ng Korean star

- Nito naman ay ibinahagi ni Melai Cantiveros na tinawagan umano ni Ryan si Jason upang mag-report sa ex-crush niyang si Yeng

Nagulat ang mga netizens sa naging rebelasyon ng Kapamilya stars na sina Yeng Constantino at Ryan Bang sa isang episode ngayong linggo para sa 'It's Showtime'. Nagkaaminan kasi sina Yeng na nanligaw daw sa kanya ang 'Showtime' host na si Ryan.

Agaran namang nilinaw ni Yeng na hindi naman daw talaga niya binasted si Ryan at nagulat rin siyang hindi na nagpapadala ang host sa kanya ng kape dahil kinaugalian na raw nitong magpadala. “Hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon,” sagot ni Yeng kay Ryan.

Muli namang umusok ulit ang isyung ito nang malaman ng netizens na kasabwat si Jason Francisco sa panliligaw ng Korean star sa Kapamilya singer. 

Nagtungo kasi si Melai sa kanyang Instagram story upang ipaalam na tumawag si Ryan upang ibalita ang sinabi sa kanya ni Yeng. 

"Kaya talaga siya tumawag, ni-report niya kay Jason na nagsalita si Yeng kasi si Jason kasi kasama niya sa panliligaw dati kay @yeng,” caption niya

"We miss you Ryan Bang buangs, love you," caption niya ulit sa kasunod lamang na Instagram story.

Post a Comment

Previous Post Next Post