FollowLike

Lolit Solis, nagpakita ng pagkalungkot sa hiwalayang Kris Aquino at Mel Sarmiento

- Nitong nakaraang araw lang, ibinahagi na ni Kris ang kanyang pakikipag-hiwalay sa kanyang nobyong si Mel

- Nagbigay ng opinyon si Lolit Solis patungkol sa hiwalayang nangyari kina Kris Aquino at Mel Sarmiento

- Ani Lolit sa kanyang Instagram account, nag-aalala ito na baka magkaroon ito ng “stress” sa kanyang lagay ngayon

Nitong January 4, Tuesday, naglapag ng komento si Lolit Solis sa kanyang Instagram account patungkol sa mga kontrobersyal na posts ni Kris Aquino.

Kinumpirma na kasi ni Kris na naghiwalay na sila ng kanyang nobyo na si Mel Sarmiento. Nagpost rin ito ng mga magkakasunod-sunod na screenshots ng mga text ni Mel sa kanya. Makikita sa screenshot ang text na nagsasabing: "cherish in my heart the happy moments we had together."

Lumipad naman ang usap-usapang balita na ito sa entertainment reporter at host na si Lolit Solis. Aniya sa kanyang Instagram post, nalungkot ito sa pag-aakalang si Mel na ang “the one” ni Kris.

"Na-sad naman ako sa balita at confirmation ni Kris Aquino na wala na sila ni Mel Sarmiento, Salve. Akala ko pa naman si Mel na ang forever ni Kris, at ito na ang hinahanap niyang ‘the one’. Matagal tagal din iyon naging relasyon nila kaya inakala na ng marami na ito na nga ang final journey ng love life ni Kris, kasal na lang ang kulang."

Dagdag pa niya, sana raw ay magkaroon ng “emotional clutch” si Kris dahil nakikita raw nito na “failing” na ang pangkalusugang kondisyon nito.

"Sad ako dahil nakita ko na talagang failing ang health condition ni Kris at parang ngayon niya needed ang emotional crutch to hold on sana. Kahit feeling ko mas maganda ngayon si Kris dahil iba ang character ng kanyang mukha ngayon, mas gusto ko pa rin na madagdagan sana ang kanyang timbang kahit konti."

Sa dulo ng kanyang caption, nabanggit nito na sana'y makita na ni Kris ang “knight in shining armor” nito dahil karapat-dapat daw ito sa pagmamahal.

"Sana nga mild lang effect sa kanya ng break up nila ni Mel para hindi na lalo pang mabawasan ang kanyang timbang. Stay strong Kris, we love you. Sana meron agad dumating na knight in shining armor, na mukhang Gabby/Robin/James sa buhay mo, hah hah joke joke. Basta kailangan lang tunay na magmamahal sa iyo, dahil deserving kang mahalin, a very precious gem."

Post a Comment

Previous Post Next Post