FollowLike

Willie Revillame, Sinagot Na Ang Haka-Haka Tungkol Sa Buntis Isyu Ni 'Hipon Girl'

Ipinagsawalang katotohanan ng TV actor at host na si Willie Revillame ang fake news na di umano nabuntis niya si hipon girl kung saan ito ang dahilan ng pag alis niya sa daily game show na "Wowowin Tutok To Win" sa GMA.

"Na-tsitsismis ho na nagkaanak daw ako kay Hipon Girl at buntis daw. Hindi po totoo yan. Puro fake news pinag gagawa niyo," pahayag ni Willie sa isang interview noong July 2 sa GMA News.

"Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniwala diyan. Pati yung taong nanahimik," dagdag pa ng host.


Dahil sa batikos na ito nag-atubali na mag sampa ng kaso si Willie sa National Bureau of Investigation dahil sa mga false statement na naririnig nito sa ibat ibang socmed.

Pagbibiro ni Willie, "Kaya daw nawala si Hipon, nabuntis ko daw. Ano magiging anak namin, hipon?!"


Sa kabilang banda, mas inaatupag sa ngayon ni Willie ang proyekto nito sa aktor na si John Lloyd Cruz. 

Nangako si Willie na tutulungan ang aktor sa pagbabalik nito sa mundo ng showbiz at ipag patuloy ang career na nasimulan nito. 

Nakausap naman ni Willie ang Executive sa GMA-7 na si Annette Gozon-Valdez tungkol sa pag lilipat ng network ni John Lloyd gayundin ang Abs Cbn president at CEO na si Carlo Katigbak.

Wala namang pagpipigil ang Abs Cbn sa plano na gagawin ni Willie sa pag tulong nito kay John Lloyd. Kasalukuyang iprinoproseso ng network ang pag lipat ni John Lloyd sa GMA network.

Post a Comment

Previous Post Next Post