FollowLike

Tignan: Napakaganda At Nakakalulang 2-Storey Mansion Nina Vic at Pauleen Sotto


Ang “Eat Bulaga” ay isang palabas sa Kapuso GMA7 na mapapanuod natin tuwing tanghali. Masasabi na isa itong “Longest Noon Time Show “ na hanggang ngayon ay pinapanuod  pa din ng karamihan.

Ang mga host ng nasabing show ay sila, Tito, Vic at Joey, Wally, Jose, Paulo, Ruby, Pauleen at madami pang iba. Para sa karamihan isang kultura na ng mga Pinoy ang panunuod ng Eat Bulaga.

Noong 1995 ay nagkaroon sila ng isang segment sa Eat Bulaga na Little Miss Philippines at dito nakilala si Pauleen Luna dahil siya ang nanalo sa nasabing patimpalak.Hindi lubos maisip na siya na ngayon ay naging parte na ng show bilang isang Host.


Sa Eat Bulaga nya din pala makilala ang kanyang magiging asawa na si Vic Sotto. Nagulat ang karamihan ng 2015 ay engaged na sila na sinundan ng kanilang kasal noong 2016.

Noong 2017 naman ay biniyayaan naman na sila ng babaeng anak na si Talitha Maria Sotto. Lubos ang kasiyahan ng dalawa kasabay na ang pagpapatayo nila ng kanilang mansyon sa Laguna.

Ito ay ipinasilip mismo ni Pauleen mula sa kanyang IG Account kung saan nagtrending at hinangaan ng kanilang fans.



Masasabing isa talaga itong mansyon dahil sa taglay nitong ganda at napapanahong disenyo. Mula sa labas ay makikita na ang gara at relaxing design nito.



Ipinakita din ni Pauleen ang interior design ng kanilang bahay mula sa living room at dining area.

Sa kabilang banda ng kanilang bahay ay ang mga halaman at isang malaking swimming pool.



Ang post na ito ni Pauleen ay talaga namang pinag usapan at hinangaan ng kanilang fans at supporters.

Post a Comment

Previous Post Next Post